Thursday, March 24, 2011
suffocated...
hindi ko maintindihan bakit ako palage masama ang tingin sa kin dito sa bahay. tuwing magbabakasyon ako, di ko alam kung anong galaw ang dapat kong gawin sa loob ng bahay. kasi pag nasa baba ako minsan manonood ng tv, sasabihin ang tamad tamad. pag sa taas at nagcocomputer sasabihin walang kwenta mga ginagawa. naisip ko bakasyon ko naman, di ba ako pwedeng magrelax man lng? kasi bakasyon naman. pasado naman lahat ng subj ko ngayon. pwede naman sabihin na "tama na muna computer.. magpahinga ka muna para makabawi sa mga puyat.." bkt kailangang sabihin pang hindi educational yung mga ginagawa ko. kailangan ba sa lahat ng oras, lahat ng nakikita nilang ginagawa ko eh educational? puro aral na nga sa scul, hindi ba pwedeng magrelax habang bkasyon? pag yung mga kapatid ko nga, naglalaro maghapon magdamag nasanay na sila, malumanay na yung saway at hindi pa nila sinasabihan ng hindi educational. tapos pag yung isa naman kasama ko nanonood ng mga koreanovela, hindi naman kami sinisita. pero pag ako lang, pag bkasyon, lagi na lang ako sinasabihang tamad. pag yung kapatid ko naman ang bakasyon, tapos siya maghapon ng-ffacebook o kaya natutulog, hindi sinisita. pero ako lahat ng gawin ko o kaya kahit wala akong ginagawang masama, masama pa rin ang tingin sken. siguro kaya nila ako pinag-aral sa ubod ng hirap at mahal na school para lang pahirapan ako ng marami nilang pera. o kaya dahil bobo ako at hindi good-looking. hindi ko naman kasalanan na ganito ako pinanganak... maliit pa lng ako ang naalala ko na nangyari sakin pang-aapi at hindi pag pabor sa akin... tapos hanggang ngayon kinikimkim ko lng lahat ng nararamdaman ko. kasi alam ko kahit sabihin ko sa kanila, wala lang sa kanila..
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment